Paano gamitin ang Netflix sa Chromecast mo

Alamin ang mga feature ng Netflix sa Chromecast, at kung paano i-set up at mag-sign out sa account mo.

Mga supported na rehiyon
Available ang Netflix sa mga piling Chromecast device sa lahat ng rehiyon kung saan available ang device at serbisyo ng Netflix. Para sa tulong sa pagsisimula sa Chromecast mo at pag-connect nito sa TV at Wi-Fi network mo, pumunta sa support.google.com/chromecast.

Navigation

Gamit ang Chromecast at Chromecast Ultra, makokontrol mo ang Netflix experience mo mula sa Android mobile device, Apple mobile device, o computer mo mula sa Chrome browser kung saan naka-install ang Google Cast extension.

May remote control ang Chromecast with Google TV at supported nito ang voice-activated controls sa Google Assistant para buksan ang Netflix at mag-play ng mga TV show o pelikula.

Device compatibility

Puwedeng i-set up ang Chromecast with Google TV, Chromecast, at Chromecast Ultra sa Android device, iPhone, o iPad na pasok sa mga requirement sa device para sa Chromecast.

Resolution
Kaya ng mga Chromecast na mag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa maximum na resolution na supported ng mga ito.

Mga subtitle at audio
Supported ng mga Chromecast ang mga subtitle, alternative audio (dubbing, iba pang wika), at 5.1 surround sound kapag available ito. Kayang mag-stream ng Chromecast Ultra at Chromecast with Google TV ng mga piling title na may Dolby Atmos audio.

Device Series

Max na Resolution

Mga Subtitle at Audio

Chromecast

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound

Chromecast Ultra

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Chromecast with Google TV (HD)

1080p Full HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Chromecast with Google TV (4K)

4K Ultra HD

Mga subtitle, alternate audio, 5.1 surround sound, Dolby Atmos

Bago mo ma-set up ang Netflix sa Chromecast mo, i-install at i-set up muna ang Google Home app sa mobile device mo.

Para sa impormasyon o tulong sa sumusunod na steps, pumunta sa support.google.com/chromecast. Kailangan mong gawin ang mga sumusunod bago subukang i-set up ang Netflix.

  1. Isaksak ang Chromecast.

  2. I-download ang Google Home app.

  3. I-connect ang mobile device/tablet mo sa Wi-Fi network na gagamitin mo para i-set up ang Chromecast device mo.

  4. Buksan ang Google Home app at i-set up ang Chromecast bilang bagong device.

Paalala: Makipag-ugnayan sa customer support ng Google kung kailangan mo ng tulong sa pag-set up ng Chromecast o Google Home app. Hindi na pinapayagan ng Google ang pag-set up ng Chromecast sa computer.

Buksan ang Netflix app sa device mo.

  1. Kapag naka-sign in ka na, piliin ang Cast icon sa kanang sulok sa itaas o ibaba ng screen.

  2. Piliin ang Chromecast mo sa list ng mga available na device para buksan ang Netflix app sa TV mo.

  3. Pumili ng papanooring TV show o pelikula at pindutin ang I-play.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para i-connect ang Chromecast with Google TV mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa Home screen ka at sundin ang steps sa ibaba.

  1. Mula sa home screen, piliin ang Netflix.

  2. Piliin ang Pag-sign In ng Member.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  4. Piliin ang Magpatuloy.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

  1. Magsimula sa home screen ng TV mo.

  2. Pindutin ang Netflix button sa remote mo.

  3. Kapag nasa Netflix app ka na, piliin ang Mag-sign In at sundin ang instructions sa screen.

Buksan ang Netflix app sa device mo.

  1. Pumili ng papanooring TV show o pelikula at pindutin ang I-play.

  2. Piliin ang Cast icon sa sulok ng screen.

  3. Piliin ang Chromecast with Google TV mo sa list ng mga available na device.

Paalala: Naka-sign in dapat sa iisang Netflix account ang device at Chromecast with Google TV.

Ginagamit ng Chromecast at Chromecast Ultra ang impormasyon ng Netflix account na naka-store sa Android o Apple mobile device mo, o sa Netflix website sa Chrome browser mo. Para mag-disconnect sa Netflix account mo, mag-sign out sa device na ginagamit mo para mag-cast.

Para sa partikular na impormasyon tungkol sa pag-disconnect ng Netflix account mo sa device mo, puntahan ang mga sumusunod na article:

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button sa remote mo para pumunta sa menu.

  2. Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulng, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Tandaan:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at piliin ang Settings.

Kung hindi mo makita ang Humingi ng Tulong, Settings, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa mga piling Chromecast model. Para mag-stream sa Ultra HD, kailangan mo ng:

  • TV na compatible sa Ultra HD streaming mula sa Netflix, na naka-connect sa Chromecast mo gamit ang HDMI port na supported ang HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Isang plan na supported ang pag-stream sa Ultra HD. Puwede mong tingnan kung nasa aling plan ka ngayon sa netflix.com/ChangePlan.

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis

  • Streaming quality na naka-set sa Auto o High.

Supported ng mga Chromecast model na ito ang Netflix sa Ultra HD:

  • Chromecast Ultra

  • Chromecast with Google TV (4K)

Available ang Netflix sa Dolby Vision at HDR sa mga piling Chromecast device. Para mag-stream sa Dolby Vision o HDR, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na kayang mag-stream sa HDR.

  • Streaming device na kaya ang HDR.

  • Smart TV na kaya ang Dolby Vision, HDR10, o HDR10+ na naka-connect sa device mo gamit ang HDMI port na kaya ang HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Settings ng playback na naka-set sa High.

Supported ng mga Chromecast device na ito ang Netflix sa HDR:

  • Chromecast Ultra

  • Chromecast with Google TV (HD)

  • Chromecast with Google TV (4K)

Nagkakaproblema ka ba? Alamin kung paano mag-ayos ng problema sa Chromecast mo.

Mga Kaugnay na Article