Sa karamihan ng device, mada-download at mai-install ang Netflix app gamit ang isang app store, at madalas na naka-preinstall na ito sa mga mas bagong TV at TV streaming device.
Kung hindi mo makita ang Netflix app sa device mo, o kung wala sa apps list o app store ang app, sundin ang steps para sa device mo sa ibaba.
Kung hindi mo makita ang Netflix app sa TV mo o sa device na kumo-connect sa TV mo, baka kailangang i-update ang software ng device mo. Sa karamihan ng mga device, puwede mong tingnan kung may mga update at i-install ang mga ito mula sa settings o system menu. Para malaman ang steps para i-update ang device mo, tingnan ang manual nito o magpatulong sa manufacturer.
Kung walang available na update o nasa pinakabagong version na ang device mo, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para magpatulong sa:
Pag-check kung available ang Netflix app sa devce mo.
Paghahanap o pag-install ng Netflix app
Kung sinasabi ng manufacturer na hindi available ang Netflix app para sa device mo, kailangan mong gumamit ng ibang supported device.
Para alamin kung paano hanapin o buksan ang Netflix:
Hanapin at buksan ang article na "Paano gamitin ang Netflix" para sa cable box mo.
Sundin ang steps sa seksyong I-set Up ang Netflix.
Kung hindi gumana ang steps o walang article tungkol sa device mo, makipag-ugnayan sa provider mo para malaman kung available ang Netflix app para sa device mo.
Para makuha ang pinakabagong version ng Netflix app, dapat naka-install ang iOS/iPadOS 17 o mas bago sa iPhone o iPad mo.
Para tingnan ang version:
Pumunta sa Settings.
Mag-scroll pababa at piliin ang General.
Piliin ang About.
Nakalista ang version number mo sa tabi ng Version.
Kung ang iOS version mo ay nasa pagitan ng iOS 5 at iOS 16, puwede mong makuha ang Netflix app kung na-download ito dati. Alamin kung paano mag-redownload ng mga app sa App Store.
Kung ang iOS version mo ay iOS 16 o mas luma, at hindi mo na-download ang Netflix dati, kailangan mong gumamit ng ibang device para manood ng Netflix.
Kung 16 o mas bago ang iOS mo, pumunta sa susunod na step.
Kung ginagamit mo ang Screen Time para paghigpitan ang apps na may partikular na ratings, posibleng maging dahilan ito para hindi lumabas ang Netflix app kahit na naka-install ito. Para i-check ang setting:
Tandaan:Kung naka-set up ang settings ng Screen Time para sa device ng isang bata, kailangan mong ilagay ang Screen Time Passcode mo sa steps na ito.
Pumunta sa Settings at i-tap ang Screen Time.
I-tap ang Content & Privacy Restrictions, at i-tap ang Content Restrictions,
I-tap ang Apps. Kung pipiliin ang Don't Allow, 4+, o 9+, hindi ipapakita ang Netflix app.
Available lang ang Netflix app sa mga Chromebook na nakakapag-install ng mga Android app mula sa Google Play Store. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para kunin ang Play Store sa Chromebook mo.
Kung sinu-support ng Chromebook mo ang mga Android app at hindi mo mahanap ang Netflix app sa Play Store, sundin ang steps na ito:
Posibleng kailangan mong i-update ang settings mo ng mga kontrol ng magulang kung itinatago nito ang Netflix app.
Buksan ang Play Store app.
Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Icon mo.
I-click ang Settings > Family > Parental controls.
Kung naka-on ang Parental controls, i-click ang switch at ilagay ang PIN mo para i-off ang mga ito.
Tandaan:Puwede mong i-on ang settings na ito pagka-install sa Netflix. Para alamin pa o para i-reset ang PIN mo, pumunta sa support page ng Google para sa mga kontrol ng magulang sa Google Play.
Kung naka-off ang Parental controls, magpatuloy sa susunod na steps.
Subukan ulit na hanapin ang Netflix app.
Hindi na available ang Netflix app sa mga Apple TV (2nd generation) at Apple TV (3rd generation) model. Pumunta sa support site ng Apple para tukuyin ang Apple TV model mo.